
Ang Ruta ng Konsultasyon para sa Influenza A
Ang Influenza A (H1N1) ay kabilang na isang palugit ng ordinaryong trangkaso kaya’t mahalagang ito ay gawan ng kaukulang hakbang at pagpapagamot para supilin ang paglala o paghawa sa iba.
Narito ang mga tamang pamamaraan sa pag-ubo na kailangang ugaliin para masupil ang Influenza A (H1N1) at pati na rin ang ordinaryong trangkaso.
*Takpan ang bibig at ilong ng tissue at ilayo sa mukha ng ibang tao kapag uubo o babahin.
*Itapon agad ang ginamit na tissue.
*Payuhan ang taong my sintomas katulad ng inuubo o bumabahin na magsuot ng mask o pantakip sa bibig.
*Kung tinakpan ang iyong bigbig kapag umuubo o bumabahin, o nilinis ang ilong, hugasan agad ang kamay.
Ang mga sumusunod ay mga karagdagang hakbang na kinakailangang gawin.
*Hugasan ang kamay at ugaliing mag-mumog pag-uwi ng bahay o kaya’y kapag humawak sa isang bagay na pampubliko.
*Hugasan ang kamay ng sabon na hindi bababa sa kinse segundo at patuyuin sa pamamagitan ng pagpahid sa malinis na tuwalya o anumang pampunas na pang-isang gamitan lang.
*Huwag lapitan o dumistansya ng 2 metro sa pasyenteng nahawaan ng sakit.
*Iwasan ang hindi kinakailangan o hindi masyadong importanteng paglalakbay sa mga naapektuhang lugar at mataong kalye.
*Maglaan ng sapat na panahon ng pamamahinga para mabawi ang lakas at mag-ibayo ang resistensya laban sa mikrobyo. Kumain ng tama at ipagpatuloy ang pangkaraniwang pamumuhay at iwasan ang mahawa.
And sintomas ng Influenza A ay may iba’t-ibang uri pero ang sintomas nito ay nahahawig sa isang pangkaraniwang trangkaso. Ang natatanging sintomas nito ay ang biglang pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng katawan at sakit ng ulo at ang iba pa ay ang sintomas sa respiratoryo tulad halimbawa ng pag-ubo, pamamaga ng lalamunan, at sintomas sa pantunaw ng pagkain gaya ng pagtatae at iba pa.
Sa ilalim ng Batas ng Nakakahawang Sakit, tayo ay may obligasyong kumonsulta sa ospital at tumanggap ng tamang pagpapagamot. At kung may ibang taong pinaghihinalaan nahawaan ng sakit, siya ay dapat na manatili sa loob ng bahay at tumawag sa pinakamalapit na pagamutan para sa kanyang kalusugan.
Ang mga taong nanggaling sa bansang naapektuhan ng Influenza A, kasama na ang Mexico at Amerika, na may nararamdamang sintomas at lagnat sa loob ng sampung araw matapos makauwi, ay kinakailangang kumonsulta sa itinalagang opisina na nagbibigay serbisyo at payo para sa sakit na ito.
Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin lang po ninyo ang InterFM website.