interfmを今すぐ聴く!!
利用規約等

Shinagawa Info
10-7-2026
Ang pag-uusapan natin sa linggong ito ay ang kursong “Enjoy Life” para sa mga dayuhan.
Layunin ng kursong ito na magbibigay ng kapaki-pakinabang na kaalaman para sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga dayuhang naninirahan sa lugar, tulad ng paghahanda sa sakuna, pagbubukod-bukod ng basura at pag-recycle.
Gaganapin ang mga sesyon sa tatlong araw sa buwan ng Nobyembre: Biyernes ika-6, Biyernes ika-13, at Biyernes ika-20.
Bukas ang kursong ito sa mga dayuhang naninirahan, nagtatrabaho, o nag-aaral sa Shinagawa City.
Magkakaroon ng interpretation service sa English at Chinese kung mayroong tatlo o higit pang kalahok sa bawat wika na nagnanais makinabang sa serbisyo.
Kung nais ninyong lumahok sa kurso, mangyaring mag-apply sa counter ng Shinagawa-ku International Friendship Association o gamitin ang application form sa kanilang website bago sumapit ang Oktubre 30, Biyernes.
Para sa mga katanungan, pakitawagan ang Shinagawa-ku International Friendship Association sa 03-6426-6044.
---
(Audio) 10-7-2026 Nasa Himpapawid - Kursong “Enjoy Life” para sa mga dayuhan
---
品川区から、「外国人のためのエンジョイライフ講座」についてのお知らせです。
地域で暮らす外国人の方を対象に、防災やごみの分別・リサイクルなど、生活に役立つ知識を学ぶ講座を開催します。
日程は、11月6日(金曜日)・13日(金曜日)・20日(金曜日)の3日間です。
対象は、品川区内在住・在勤・在学の外国人の方です。通訳は、英語、または中国語で、各言語3人以上の希望がある場合に対応します。
参加を希望される方は、10月30日(金曜日)までに、品川区国際友好協会ホームページの応募フォーム、または、協会の窓口にてお申し込みください。
お問い合わせは、品川区国際友好協会
電話番号:03-6426-6044 までお願いします。