NOW ON AIR
23:30-24:00
Yura

interfmを今すぐ聴く!!
利用規約等

NEWS

Mga Pamamaraan sa pagpa-Enroll sa Elementarya, Junior High at Compulsory Education School para sa mga Dayuhang Mamamayan

Shinagawa Info
2026/09/16


Shinagawa Info

9-16-2026


Ang mga batang dayuhang naninirahan sa Shinagawa City na nais magpa-enroll sa mga pampublikong paaralan ay dapat mag-fill out ng isang aplikasyon.

Ang mga nakarehistro bilang residente ay padadalhan ng application form sa huling bahagi ng Setyembre.

Para sa elementary school o 1-6 taon na compulsory education school, ang mga kwalipikado ay ang mga batang ipinanganak sa pagitan ng Abril 2, 2020 at Abril 1, 2021. Para sa junior high school o ika-pito hanggang ika-siyam na taon na compulsory education school ay kwalipikado ang mga batang ipinanganak sa pagitan ng Abril 2, 2014 at Abril 1, 2015.

Kung hindi kayo nakarehistro bilang residente, o kailangan ninyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga pamantayan sa pag-enroll, mangyaring magtanong sa pamamagitan ng isang marunong magsalita ng wikang Hapon.

Para sa mga katanungan, pakitawagan ang School Affairs Section ng Shinagawa City Office sa 03-5742-6828.


---

(Audio) 9-16-2026 Nasa Himpapawid - “Mga Pamamaraan sa pagpa-Enroll sa Elementarya,  Junior High at Compulsory Education School para sa mga Dayuhang Mamamayan”

---


品川区からのお知らせです。

品川区内在住の外国籍のお子さんで、区立学校に入学を希望する方は、手続きが必要です。

住民登録がある方には、9月下旬に書類を送付します。

小学校・義務教育学校前期課程は、2020年4月2日~2021年4月1日に生まれた方、

中学校・義務教育学校後期課程は、2014年4月2日~2015年4月1日に生まれた方が対象となります。

住民登録がない方や入学条件の詳細などについては、日本語が理解できる方を通じてお問い合わせください。

お問い合わせは、品川区役所 学務課

電話番号:03-5742-6828 までお願いします。