NEWS

Ang Global Story Room ng Shinagawa Library

Shinagawa Info
2023/01/18


Shinagawa Info

1-18-2023


Sa Pebrero 19, Linggo, idadaraos sa Shinagawa Library ang “Global Story Room”, story-time sa wikang Ingles.


Ang unang session ay para sa tatlo hanggang apat na taong gulang na isasagawa mula 11am – 11:45am. Ang ikalawang session ay para sa mga limang taong gulang at pataas mula 1pm - 1:45pm.


Apatnapu ang makakasali sa bawat session at ito ay idadaan sa lottery. Maaaring samahan ng mga magulang o guardian ang kanilang mga anak.


Kung nais ninyong sumali, mangyaring mag-apply gamit ang isang return postcard. Dapat isulat ang “Global Story Room” dito kasama ang nais na session, ang mga pangalan ng lahat ng kalahok, ang edad ng bata/mga bata, at ang address at numero ng telepono ng kinatawan.


Ang inyong aplikasyon ay dapat makarating hanggang Enero 24, Martes at limitado sa apat na katao ang bawat postcard. Kailangang ipadala ito sa Shinagawa Library, 2-32-3 Kita Shinagawa, Shinagawa City zip code 140-0001.


Para sa mga detalye, pakitawagan ang Shinagawa Library sa 03-3471-4667.


---

(Audio) 1-18-2023 Nasa Himpapawid - “Ang Global Story Room ng Shinagawa Library”

---


品川図書館では、英語のおはなし会「グローバルおはなしルーム」を実施します。

開催日は、2月19日(日曜日)です。

第一回が3歳~4歳向けで、午前11時から11時45分まで、第二回が5歳以上向けで、午後1時から1時45分までです。

各回抽選で40名までとなります。

保護者の付き添いも可能です。

参加希望の方は、往復はがきに「グローバルおはなしルーム」と記載し、参加を希望する回、参加者全員の氏名、お子さんの年齢、代表者の住所、電話番号を明記の上、1月24日(火曜日)まで必着で、お送りください。 

はがき1枚につき、4名までお申し込みできます。

宛先は、郵便番号140-0001 品川区北品川2-32-3 品川図書館 です。

くわしくは、品川図書館 電話番号 03-3471-4667 までお願いします。