Shinagawa Info
4-23-2025
Ang Shinagawa City ay nagbibigay ng partial subsidy para sa shingles vaccination. Maaari kayong mamili kung ang gagamitin ay live o inactivated varicella vaccine.
Tungkol sa halaga at frequency ng subsidy, apat na libong yen bawat dose ang ibinibigay ng isang beses para sa live varicella vaccine, at sampung libong yen bawat dose ang ibinibigay hanggang dalawang beses para sa inactivated vaccine.
Ang mga eligible ay residente ng Shinagawa City na mga 50-64 na taong gulang sa araw ng pagbakuna.
Para sa mga detalye, mangyaring tingnan ang website ng Shinagawa City.
Upang makatanggap ng vaccine gamit ang subsidy, kailangan mo ng “Shingles pre-vaccination screening questionnaire” na inisyu ng Shinagawa City.
Kung gusto ninyong mabakunahan, mangyaring tingnan ang website ng Shinagawa City o makipag-ugnayan sa kanila.
Para sa karagdagang impormasyon, pakitawagan ang Health and Disease Prevention Section ng Shinagawa City Office sa numero 03-5742-9152.
---
---
品川区からのお知らせです。
水痘生ワクチン・不活化ワクチンのいずれかを選択して接種を受ける、帯状疱疹ワクチン予防接種の費用の一部を助成します。
助成額と回数については、水痘生ワクチンは1回あたり4,000円を1回のみ、不活化ワクチンは1回あたり10,000円を2回までです。
対象は、品川区内在住で、接種日時点で50歳~64歳までの方です。
詳しくは、品川区ホームページをご覧ください。
助成制度を利用して接種を受けるには、区が発行する「予防接種予診票」が必要です。
接種をご希望の方は、品川区ホームページをご覧いただくか、または、お問い合わせください。
くわしくは、品川区役所 保健予防課
電話番号 03-5742-9152 までお願いします。