NOW ON AIR
12:55-13:00
NO DJ

interfmを今すぐ聴く!!
利用規約等

NEWS

Environmental Education at Exchange Facility ng Shinagawa City, ang “Ecoru Togoshi”, bubuksan sa Mayo 1

Shinagawa Info
2022/04/27


Shinagawa Info

4-27-2022


Ang Environmental Education at Exchange Facility ng Shinagawa City na “Ecoru Togoshi”, ay bubuksan sa Mayo 1.


Ang Ecoru Togoshi ay matatagpuan sa Togoshi Park.

Ito ay isang pasilidad kung saan masisiyahan ang mga bisita sa pag-aaral tungkol sa kapaligiran sa pamamagitan ng mga sensory exhibit at malawak na hanay ng mga event at kurso.

Bilang isang pasilidad sa loob ng parke, ito ay malayang magagamit bilang isang “lugar para sa pagpahinga at pakipag-ugnayan.


Ang opening hours ay mula alas 7am-9:30pm.

Sila ay sarado sa ika-4 na Lunes ng buwan at sa katapusan ng taon at Bagong Taon.

Kung ang ika-4 na Lunes ng buwan ay isang national holiday, ang pasilidad ay magsasarado sa susunod na araw.


Sa Grand Opening nito na Mayo 1 ay idadaraos ang event na tinatawag na “Ecoru Fes Shinagawa 2022” at kayo ay inaanyayahang makilahok.


Para sa mga detalye, pakitawagan ang Environment Promotion Subsection ng Environment Section ng Shinagawa City Office.

Ang numero ng kanilang telepono ay 03-5742-6755.


---

(Audio) 4-27-2022 Nasa Himpapawid - Environmental Education at Exchange Facility ng Shinagawa City, ang “Ecoru Togoshi”, bubuksan sa Mayo 1

---


5月1日、品川区立環境学習交流施設「エコルとごし」がオープンします。

「エコルとごし」は、戸越公園内にあり、体感を重視した展示物や多彩なイベント・講座で、環境を楽しみながら学べる施設です。

また、公園内の一施設として、「憩いと交流の場」として気軽にご利用いただけます。


開館時間は、午前7時~午後9時30分まで、休館日は、第4月曜日と年末年始です。

第4月曜日が祝日の場合は、その翌日が休館になります。


また、オープン日の5月1日には、オープン記念イベント「エコルフェスしながわ 2022」を開催します。

ぜひ、ご参加ください。


詳しくは、品川区役所 環境課環境推進係 電話番号 03-5742-6755 までお願いします。