NOW ON AIR
24:30-26:00
NO DJ

NEWS

Shinagawa ECO Festival 2019

Shinagawa Info
2019/05/15

Ang “Shinagawa ECO Festival 2019” ay idadaraos sa darating na Mayo 26, Linggo na mag-uumpisa sa alas 10am hanggang alas 3pm. Ang mga venue nito ay Shinagawa Chuo Park at ang Small and Medium Enterprises Center. Ang event ay matutuloy kahit umaabon.

May iba’t-ibang uri ng environment-related exhibits at attractions sa event. Ang mga booths ng pagkain at mainom sa Shinagawa ECO Festival ay hindi magbibigay ng supot kaya kayo’y inaanyayahang magdala ng sariling eco bag.

Kung kayo din ay may mga nakaimbak na pagkain sa inyong tahanan na hindi nagagamit, maaari kayong sumali sa Food Drive at i-donate ang mga ito sa welfare groups. Bago dalhin ang mga pagkain, paki-check ang “best before / use by dates” nito. Para sa mga detalye ukol sa mga tatanggapin na pagkain, bisitahin lang ang kanilang homepage.

Tandaan din po na ang parking lot ng Shinagawa City Office ay hindi magagamit. Limitado din ang parking spaces para sa bisikleta kaya mainam na kayo ay pumunta sa event gamit ang pampublikong transportasyon.

Sa mga katanungan, tumawag lang sa Environment Section ng Shinagawa City Office sa 03-5742-6755.

-----

 (Audio) 5-15-2019 Nasa Himpapawid – “Shinagawa ECO Festival 2019”

-----

5月26日(日曜日)午前10時~午後3時まで、しながわ中央公園と中小企業センターで、「しながわECO(エコ)フェスティバル2019」を開催します。小雨決行です。

エコを身近に感じる展示やアトラクション、催しが盛りだくさんです。「しながわECOフェスティバル」では、飲食ブースなどでのお持ち帰り用のビニール袋の提供は、行いません。ご来場の際は、マイバッグをご持参ください。

また、ご家庭で眠っている食品などを集めて、福祉団体などに寄付する活動である「フードドライブ」を行います。ご家庭にある食品の賞味期限・消費期限をチェックし、食べきれない食品を、お持ちよりください。受け付けている食品などの詳細は、ホームページをご覧ください。

なお、品川区役所駐車場のご利用はできません。

駐輪場の数に限りがございますので、お越しの際は公共の交通機関をご利用ください。

お問い合わせは、品川区役所 環境課 電話番号03-5742-6755までお願いします。