NEWS

Inumpisahan ang Trial operation ng unang community bus ng Shinagawa City na “Shina-Bus”

Shinagawa Info
2022/05/18


Shinagawa Info

5-18-2022


Ang trial operation ng unang community bus ng Shinagawa City na “Shina-Bus” ay nagsimula noong Marso 2022.


Ang ruta ng Shina-Bus ay nagkokonekta sa Nishi-Oi Station sa north exit ng Omori Station.

Ang bus ay tumatakbo sa pagitan ng tatlumpung minuto, dalawampu’t-walong beses sa isang araw, sa isang byahe.


Ang pamasahe ay 220 yen para sa adult at 110 yen para sa mga batang nasa elementarya.

Maaari ding gamitin ang Tokyo Senior Pass.


Para sa mga detalye, bisitahin lang ang website ng Shinagawa City.

Kung may mga katanungan ay dapat idaan sa Urban Planning Section ng Shinagawa City Office sa numero 03-5742-6760 at Fax number ay 03-5742-6889.


---

(Audio) 5-18-2022 Nasa Himpapawid - “Inumpisahan ang Trial operation ng unang community bus ng Shinagawa City na “Shina-Bus””

---


令和4年3月より、品川区初となるコミュニティバス「しなバス」の試行運行を開始しました。


「しなバス」は、西大井駅から大森駅北口を結ぶルートを、毎日30分間隔で、1日片道28便運行しています。


運賃は、大人220円、小学生以下110円で、東京都シルバーパスもご利用いただけます。


詳しくは、品川区ホームページをご覧ください。


お問い合わせは、品川区役所 都市計画課 電話番号03-5742-6760、または、FAX番号03-5742-6889 までお願いします。