NEWS

Interaction Salon- Let’s Speak in Japanese

Shinagawa Info
2021/05/19

Ang pag-uusapan natin sa linggong ito ay tungkol sa “Interaction Salon – Let’s Speak in Japanese”.


Ang “Interaction Salon - Let’s Speak in Japanese” ay isang lugar kung saan ang mga dayuhang residente ng Shinagawa City ay maaring makipag-usap sa mga Hapon. 

Kayo ay maaaring makipag-usap tungkol sa iba’t-ibang bagay sa wikang Hapon: tulad halimbawa ng tungkol sa mga bagay na hindi naunawaan sa pang-araw-araw, mga bagay na kailangan, kultura, kaugalian, pagluluto at mga events.


Ang salon ay idinadaraos bawat araw na Biyernes mula alas 2pm-3pm sa Shinagawa International Friendship Association. Ang mga makakadalo dito ay mga dayuhang nakatira, nagtatrabaho o nag-aaral sa Shinagawa City.


Kung hangad ninyong sumali ay mag-apply sa pamamagitan ng telepono o mag-email sa Shinagawa International Friendship Association.


Para sa mga detalye, pakitawagan ang Shinagawa International Friendship Association sa numero 03-5742-6517.

---

(Audio) 5-19-2021 Nasa Himpapawid - “Interaction Salon- Let’s Speak in Japanese”

---

「交流サロン~にほんごではなそう~」は、品川区内で暮らす外国人の方が、気軽に日本人とおはなしする場です。

日本語を使って、いろいろなことを話しましょう。

日常生活でわからないこと、必要なことや、文化、習慣、料理、行事など、様々な話題を楽しみましょう。


日時は、毎週金曜日の午後2時~3時までです。

会場は、品川区国際友好協会です。

対象は、品川区内在住か在勤・在学の外国人の方です。

参加希望の方は、電話かEメールで、品川区国際友好協会へお申し込みください。


詳しくは、品川区国際友好協会 電話番号 03-5742-6517 までお問合せください。