NEWS

Mangyaring Maghanda para sa Biglaang Pagbuhos ng Ulan sa inyong Lugar

Shinagawa Info
2023/06/21


Shinagawa Info

6-21-2023


Papalapit na naman tayo sa panahon ng malakas na ulan ngayong taon.


Upang maiwasan ang pinsala sa pagbaha dahil sa malakas na pag-ulan, mahalagang mangalap ng impormasyon tungkol sa mga pagbuhos ng ulan at maghanda para sa mga ito sa pang-araw-araw na buhay.


Ang Shinagawa City ay gumagamit ng iba’t-ibang paraan, tulad ng ‘Shina-mail’ at SNS upang ipamahagi ang impormasyon sa pag-iwas sa emerhensya/sakuna.

Upang maayos na makatanggap ng impormasyon kapag magkaroon ng sakuna, makakatulong na magparehisteo at sundin ang mga naturang serbisyo bago mangyari ang anumang bagay.


Kung makakita kayo ng weather information na nagsasabi na ang banta ng malakas na ulan ay tumataas, mangyaring tingnan ang mga website ng Shinagawa City at Japan Meteorological Agency, pati na rin ang Cable TV Shinagawa upang manatiling nakasubaybay sa pinakabagong kondisyon ng panahon.


Para sa mga katanungan, pakitawagan ang Disaster Prevention Section ng Shinagawa City Office sa 03-5742-6695.


---

(Audio) 6-21-2023 Nasa Himpapawid - “Mangyaring Maghanda para sa Biglaang Pagbuhos ng Ulan sa inyong Lugar”

---


今年も、大雨が降る季節をむかえています。


集中豪雨による浸水被害を防ぐには、大雨に関する情報の収集や、日頃の備えが大切です。


品川区では、「しなメール」やSNSなど、様々なツールを活用して、緊急・防災情報などを発信しています。


災害時に、スムーズに情報を受け取ることができるよう、事前に各サービスを、登録・フォローしておくと便利です。


大雨の危険が近づいているという気象情報を見たら、品川区や気象庁などのホームページや、ケーブルテレビ品川などを確認し、最新の気象情報を把握してください。


お問い合わせは、品川区役所 防災課 電話番号 03-5742-6695  までお願いします。