NEWS

Enjoy Life Course para sa mga Dayuhan

Shinagawa Info
2023/10/18


Shinagawa Info

10-18-2023


Ang pag-uusapan natin sa linggong ito ay tungkol sa “Enjoy Life Course para sa mga Dayuhan”.


Ang kaganapang ito ay idadaraos sa Shinagawa City na may tatlong sesyon. Kabilang dito ang pagkolekta at pag-recycle ng basura, emerhensya at pag-iwas sa krimen ayon sa Police at Fire Department. Mararanasan ding mamili sa mga shopping street ng Shinagawa City.


Ito ay gaganapin ng tatlong beses sa Nobyembre 10, 17 at 24, lahat ay araw na Biyernes mula 1pm - 3:30pm.


Ang pagsali ay idadaan sa lottery para sa dalawampung dayuhan na nakatira, nagtatrabaho o nag-aaral sa Shinagawa City. May interpretation na available sa English at Chinese.


Mangyaring mag-apply bago ang Oktubre 26, Huwebes gamit ang application form sa homepage o kaya’y sa counter ng Shinagawa-ku International Friendship Association na nasa 4th Floor ng Shinagawa City Office Dai-san Chosha.


Libre ang pagsali ngunit ang gagastusin sa paglibot sa mga lugar at pamimili sa shopping streets ay babayaran ng kalahok.


Para sa mga katanungan, pakitawagan ang Shinagawa-ku International Friendship Association sa 03-5742-6517.


---

(Audio) 10-18-2023 Nasa Himpapawid - ‘Enjoy Life Course para sa mga Dayuhan’

---


品川区から、「外国人のためのエンジョイライフ講座」についてのお知らせです。


品川区のごみ収集とリサイクル、警察・消防による緊急時・防犯、品川区商店街での買い物体験などを3回に渡って開催します。


日時は、11月10日、17日、24日(金曜日)の午後1時~3時30分までの合計3回です。


対象は、品川区内在住・在勤・在学の外国人20人で、抽選となります。英語と中国語の通訳があります。


10月26日(木曜日)までに、ホームページの応募フォーム、または、品川区役所第三庁舎4階 品川区国際友好協会窓口でお申し込みください。


参加費は無料ですが、見学地までの交通費、および商店街での買い物の費用は、自己負担となります。


お問い合わせは、品川区国際友好協会

電話番号03-5742-6517 までお願いします。