NOW ON AIR
20:00-20:30
林哲平

interfmを今すぐ聴く!!
利用規約等

NEWS

Boluntaryong Pagbabakuna sa Trangkaso para sa mga Bata

Shinagawa Info
2022/10/26


Shinagawa Info

10-26-2022


Ang pag-uusapan natin sa linggong ito ay tungkol sa boluntaryong pagbabakuna sa trangkaso para sa mga bata.


Ang Shinagawa City ay nagbibigay ng pinansyal na suporta para sa pagbabakuna ng trangkaso ng mga bata.

Ang mga makikinabang nito ay mga bata mula isang taong gulang hanggang ikatlong baitang ng junior high school na nakatira sa Shinagawa City.


Ang pagbabakuna ay hanggang Enero 31, 2023, araw na Martes. Isasagawa ang pagbabakuna sa mga kinontratang mga medikal na institusyon ng Shinagawa City.


Ang nabanggit na pinansyal na suporta ay isang libong yen kaya mangyaring ibawas ang halagang ito sa bayad sa pagbabakuna ng mga nauugnay na institusyong medikal at bayaran ang natirang halaga. 


Ang mga pinansyal na suporta ay magagamit nang dalawang beses para sa mga batang wala pang labing-dalawang taong gulang at isang beses para sa mga labing-tatlong taong gulang at pataas.


Para sa mga detalye, pakitawagan ang Public Health and Disease Prevention Section ng Shinagawa City Office. 

Ang numero ng kanilang telepono ay 03-5742-9152.


---

(Audio) 10-26-2022 Nasa Himpapawid - “Boluntaryong Pagbabakuna sa Trangkaso para sa mga Bata”

---


品川区内在住の1歳~中学3年生までのお子さんのインフルエンザ予防接種に対して、助成があります。


接種期間は、令和5年1月31日(火曜日)までです。

実施場所は、品川区内契約医療機関です。

助成金額は1,000円で、各医療機関で定める予防接種料金から、助成額を差し引いた金額をお支払いください。

助成回数は、12歳以下は2回まで、13歳以上は1回のみです。


詳しくは、品川区役所 保健予防課 電話番号03-5742-9152 までお問い合わせください。