NOW ON AIR
09:00-09:55
Vance K

interfmを今すぐ聴く!!
利用規約等

NEWS

Boluntaryong Pagpabakuna ng Influenza para sa mga Bata

Shinagawa Info
2021/10/27


Shinagawa Info

10-27-2021


Ang pag-uusapan natin sa ngayon ay tungkol sa boluntaryong pagpabakuna ng influenza para sa mga bata.


Ang Shinagawa City ay naghahandog ng pinansyal na tulong para mabakunahan para sa influenza ang mga bata. 

Ang makikinabang nito ay mga batang mula isang taon hanggang ikatlong baitang sa junior high school na nakatira sa Shinagawa City. 


Ang durasyon sa pagbakuna ay hanggang Enero 31, 2022, araw na Lunes. 

Ang pagbakuna ay isasagawa sa mga medical institution na nakipagkasundo sa Shinagawa City.


Ang pinansyal na tulong ay isang libong yen at pakibawas ang halagang ito sa vaccination fee na babayaran galing sa mga nauugnay na medical institution.


Ang nasabing pinansyal na tulong ay dalawang beses mapakinabangan ng mga batang labing-dalawang taong gulang at pababa at isang beses para sa labing-tatlong taong gulang at pataas.


Para sa mga detalye, pakitawagan ang Public Health and Disease Prevention Section ng Shinagawa City Office sa 03-5742-9152.


---

(Audio) 10-27-2021 Nasa Himpapawid - “Boluntaryong Pagpabakuna ng Influenza para sa mga Bata”

---


品川区内在住の1歳~中学3年生までのお子さんのインフルエンザ予防接種に対して、助成があります。


接種期間は令和4年1月31日(月曜日)までです。

実施場所は、品川区内契約医療機関です。

助成金額は1,000円で、各医療機関で定める予防接種料金から助成額を差し引いた金額をお支払いください。

助成回数は、12歳以下は2回まで、13歳以上は1回のみです。


詳しくは、品川区役所 保健予防課 電話番号03-5742-9152までお問い合わせください。