NOW ON AIR
23:30-24:00
NO DJ

NEWS

“Smile City, Shinagawa Day” sa Oi Racecourse

Shinagawa Info
2019/11/27

Sa Disyembre 6, araw na Biyernes, ang “Smile City, Shinagawa Day” ay idadaraos sa Oi Racecourse.

Ang mga mascot galing sa shopping streets at iba pa at mga penguin galing sa Shinagawa Aquarium ay naghihintay sa inyong pagdating.

Ang Shinagawa Gakuin Entertainment Club ay magpapamalas ng isang dance performance at may isang raffle draw para sa Shinagawa specialties din na magdadagdag ng kasiyahan sa venue.

Dagdag pa, ang Shinagawa Mayor’s award ay isasagawa sa nasabing event. Sama-sama nating panoorin ang kasiyahan para sa mahigpit na labanan!

Ang pinto ay bukas hanggang alas 2pm at may admission fee na isang daang yen para sa labing-limang taong gulang at pataas.

Ang mga labing-siyam na taong gulang at pababa ay kailangang may kasamang isang adult para makapasok sa venue. Hinihiling namin ang inyong kooperasyon ukol dito.

Para sa mga katanungan, pakitawagan lang ang General Affairs Section ng Shinagawa City Office sa 03-5742-6625.

---

(Audio) 11-27-2019  Nasa Himpapawid  –  “Smile City, Shinagawa Day” sa Oi Racecourse

---

12月6日(金曜日)、大井競馬場で「スマイルシティ・しながわデー」を開催します。商店街等のキャラクターや、しながわ水族館のペンギンが、皆さまをお待ちしています。

また、しながわ学院エンタ部によるダンスや、品川の名産品が当たる抽選会によって、場内を盛り上げます。さらに、当日は、品川区長賞レースを実施します。白熱したレースを観てみんなで一緒に楽しみましょう。

開門は、午後2時までです。入場料は、15歳以上100円です。なお、19歳以下のみでのご来場はできませんので、ご了承ください。

お問い合わせは、品川区役所 総務課 電話番号:03-5742-6625までお願いします。